Kaso vs Perez pinalaglag daw kay Ombudsman Marcelo
October 21, 2005 | 12:00am
Kinumpirma kahapon ni Sen. Sergio Osmeña ang mga kumakalat na balitang kaya nagbitiw si Ombudsman Simeon Marcelo ay dahil ipinapa-dismis ng Malacañang ang kaso ni dating Justice Sec. Hernando Perez.
Ayon kay Sen. Osmeña, nahiya na umano si Marcelo sa kaibigan nitong si Tony Kwok dahil ito pa mandin ang nagdala ng mga ebidensiya hinggil sa $2 milyong idineposito sa account ni Perez sa Deustche Bank sa Hong Kong subalit hindi makausad ang pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan dahil sa pag-aarbor umano ng Palasyo.
Naniniwala rin si Osmeña na tinulugan din ni DOJ Sec. Raul Gonzales ang kaso ni Perez sa kabila ng pagpupunyagi ng Swiss government na maibigay ang kinakailangang dokumento para patunayan na inilipat sa kanilang bangko ang account ni Perez sa HK Bank matapos na mabisto ito.
Ayon kay Osmeña posibleng kinakabahan na ngayon ang Malacañang dahil sa napipintong pagbabalik sa bansa ni dating Manila Rep. Mark Jimenez dahil maaaring kumanta na ang dating kongresista kung sino ang nakinabang sa apat na milyong dolyar na kanyang ibinigay bilang bahagi ng suhol sa isang power plant rehabilitation contract.
"He has some stories to tell about Jose Pidal because two million dollars went to Nani (Perez) and four million dollars went to somebody else," ayon pa kay Osmeña.
Aniya, matagal na nanahimik si Jimenez kung sino ang taong nabigyan ng nasabing kalaking halaga at maaaring ito ang hinihintay niyang pagkakataon upang isiwalat sa publiko ang kanyang nalalaman.
"Im sure some people are very nervous like the person who got $4 million", sambit ni Osmeña tungkol sa pagbabalik ni Jimenez sa darating na November 22.
Tumanggi namang magkomento ang senador kung ang pagbabalik ni First Gentleman sa Pilipinas ay konektado sa pagbabalik sa bansa ni Jimenez. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest