GMA hinamon ni Nene ng debate sa CPR
October 17, 2005 | 12:00am
Hinamon kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. si Pangulong Arroyo sa isang pampublikong debate at ang kanilang pag-uusapan ay ang calibrated preemptive response (CPR).
"Mrs. President, lets debate your policy of violent dispersals of peoples demonstrations vs corruption and your defense of the governments blunders with mass media coverage in a neutral venue so the people will know the truth. Other details are negotiable" paghahamon ni Sen. Pimentel.
Ayon pa kay Pimentel, sagad na umano ang pasensiya ng taumbayan sa mga polisiyang ipinatutupad ng Pangulo na pumapatay sa karapatan ng bawat mamamayan na magpahayag ng kanilang saloobin.
Iginiit naman ni Senate President Franklin Drilon sa Malacañang na ibasura nito ang pagpapatupad ng CPR dahil nagdudulot ito ng karahasan sa isang mapayapang kilos-protesta partikular na ang ginawang prusisyon noong nakaraang Biyernes ng mga obispo sa Mendiola, Manila.
Sa kanyang press statement mula Geneva, Switzerland, kung saan dumalo si Sen. Drilon sa Inter-Parliamentary Union (IPU), sinabi na ang patuloy na implementasyon ng CPR ay mag-iimbita lang ng mas malaking kilos-protesta at magbibigay-daan para lalong maniwala ang taumbayan na nababalot ng katiwalian ang pamahalaan ni Pangulong Arroyo.
Ayon naman kay Sen. Mar Roxas, gamitin na lamang sa mga terorista, smuggler at ahensya ng pamahalaan ang CPR dahil tiyak na makakatulong pa ito sa bayan at hindi makikitang hindi nasasayang ang ibinabayad sa kanila.
Nanawagan din si Roxas na magkaroon na lang ng dayalogo sa pagitan ng oposisyon at Malacañang para malinawan kung ano ang kanilang mga pakay. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended