^

Bansa

‘Ginigiba ako!’ – Gudani

-
Dinudurog ang aking pagkatao!

Ito ang inihayag ng sinibak na si Marine B/Gen. Francisco Gudani kaugnay ng diumano’y inilargang ‘character assassination’ laban sa kanya matapos ang kanyang expose laban sa Arroyo administration kaugnay sa "Hello Garci" scandal.

Sinabi ni Gudani na sa simula’t simula pa lamang ay alam na niyang ganito na ang mangyayari dahil maruming magtrabaho ang mga taong takot na malantad ang katotohanan sa nangyaring iregularidad noong 2004 elections.

Ayon dito, isang kaibigan niya ang nagparating sa kanya na isang taga-gobyerno ang umano’y naghahanap ng tao sa lalawigan ng Lanao na maaaring tumestigo laban sa kanya para palutanging mayroon itong ‘ill-gotten wealth’ at iba pang katiwalian na ikukulapol sa kanyang pagkatao

Ang testigo ay inaalok umano ng kampo ng administrasyon ng malaking halaga kapalit ng pagwasak sa kanyang kredibilidad.

Kahapon ay ipinanukala naman ng ilang kongresista na isailalim sa lifestyle check si Gudani dahil sa sinasabing maluhong pamumuhay nito at tagong yaman.

Ayon kay Leyte Rep. Eduardo Veloso, posible anyang totoo ang balita matapos mapaulat na kabilang sa negosyo ng pamilya nito ay pagbebenta ng mga spare parts ng aircraft na nangangailangan ng malaking kapital. (Joy Cantos At Malou Rongalerios)

AYON

DINUDUROG

EDUARDO VELOSO

FRANCISCO GUDANI

GUDANI

HELLO GARCI

JOY CANTOS AT MALOU RONGALERIOS

LEYTE REP

MARINE B

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with