^

Bansa

DENR tutulug-tulog, natakasan ng pagong!

-
Nalusutan ng kanilang endangered species ang mga tauhan ng Wild Life Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nang makawala sa kanilang pangangalaga ang isang Asian box turtle noong unang linggo ng buwang kasalukuyan.

Ang nasabing pagong ay natiyempuhan ng ilang concerned citizen habang nilalaro ng mga kabataang taga-barangay Pag-asa, Quezon City sa gilid ng North Avenue, tapat ng Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWD) noong nakaraang linggo.

Ang pagong ay ikinukonsiderang kabilang sa mga endangered species, ayon na rin kay DENR Sec. Michael Defensor.

Inamin ng mga kabataan na galing sa PAWD ang pagong na hindi na nila tinangkang isaoli dahil sa takot na baka sila’y pagbintangang nagnakaw nito at minabuting lumapit sa mga mamamahayag.

Sa panayam, sinabi naman ni Stephen Toledo, officer-in-charge ng Wildlife Rescue Center (WRC) ng PAWD na hindi pa sila nagsasagawa ng imbentaryo sa kanilang mga endangered species para makatiyak na may nakawala sa kanilang hawla.

Sa ngayon aniya, umaabot lamang sa 143 ang inaalagaan nilang pagong sa WRC, hindi kabilang ang 115 pa na nasa Butterfly House ng PAWD. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BUTTERFLY HOUSE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

MICHAEL DEFENSOR

NORTH AVENUE

PROTECTED AREAS AND WILDLIFE BUREAU

QUEZON CITY

STEPHEN TOLEDO

WILD LIFE BUREAU

WILDLIFE RESCUE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with