^

Bansa

3 OFWs minolestya

-
Nakatakdang ipagharap ng kasong Human Trafficking ang tatlong recruitment agencies na umano’y nagpabaya sa tatlong OFWs na biktima ng pagmamalupit sa Saudi Arabia.

Nakauwi lamang sa bansa sina Meriam Camango Lambiwa, Raquel Marante Cauntay at Aidah Salim Mahid makaraang bayaran nila ang kani-kanilang mga plane tickets pabalik ng bansa.

Inireklamo ni Cauntay ang Aisis Manpower Agency na may opisina sa Gedisco bldg., Pedro Gil, Manila dahil pinabayaan umano siya ng ahensiya. Dumanas ito ng pangmomolestya mula sa kamay ng kanyang mga amo kaya nagawa niyang tumakas hanggang sa mahuli siya ng Saudi Police. Nakulong siya ng 10 buwan at tumanggap ng mahigit 200 hagupit.

Biktima naman ng maling pag-aakusa si Lambiwa at ipinakulong ng amo sa bintang na ito ang nagpainom ng sleeping pills sa kanyang inaalagaang bata. Nahatulan siya ng 4-buwang pagkabilanggo. Tinukoy niya ang Al-Rapedin Agency sa Mabini St., Malate, Manila na kung sinagot ang panawagan niyang tulungan siya ay maaaring hindi niya inabot ang ganoong parusa.

Pangmomolestya din sa kamay ng mga kaanak ng kanyang among Arabo ang dinanas ni Mahid. Isang agency, ang Al-Subaj Agency ang umano’y pinagbentahan kay Mahid. (Ulat ni Andi Garcia)

AIDAH SALIM MAHID

AISIS MANPOWER AGENCY

AL-RAPEDIN AGENCY

AL-SUBAJ AGENCY

ANDI GARCIA

HUMAN TRAFFICKING

MABINI ST.

MAHID

MERIAM CAMANGO LAMBIWA

PEDRO GIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with