Loyalty check sa oposisyon
September 8, 2005 | 12:00am
Sasailalim sa loyalty check ang mga miyembro ng oposisyon matapos hindi suportahan ng ilan nilang kaanib ang namatay na impeachment laban kay Pangulong Arroyo.
Sinabi ni House Minority Leader Francis Escudero na partikular nilang kakausapin ang mga hindi lumagda bilang endorsers ng impeachment at hindi rin nakiisa sa isinagawang botohan sa plenaryo.
"Kakausapin talaga namin sila. Kailangang malaman kung bakit nagkaganoon? Maraming mga katanungan ang aming mga kasamahan sa kanila na kailangang linawin. Dapat magpaliwanag sila," sinabi ni Escudero.
Pakiramdan nina Reps. Rolex Suplico at Liza Maza ay iniwan sila sa ere ng mga itinuturing nilang kakampi sa oposisyon.
"We thought they were with us. They sit with us, talk with us, eat with us, join us in rallies and talk our language. In the end, they were not with us," may himig pagdaramdam na sinabi ni Suplico. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended