^

Bansa

Dilangalen sinibak ni Erap

-
Sinibak ni dating Pangulong Estrada ang kanyang spokesman na si dating Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen matapos mag-abstain sa botohan ng impeachment complaint ang asawa nitong si Maguindanao Rep. Baisendig Dilangalen.

Inamin ni Dilangalen sa mga panayam na totoong sinibak siya bilang spokesman, pero naunahan lamang siya dahil talaga anyang gagawa na siya ng resignation letter.

Bagaman at kilala ang mga Muslim na babae na sumusunod sa kanilang asawa, ikinatuwirn ni Dilangalen na hindi niya hawak ang desisyon ng kanyang asawa dahil may sarili itong paninindigan.

Bago ang botohan ay inutusan ni Estrada ang kanyang mga kaalyado na lumagda sa impeachment at bumoto ng kontra sa report ng komite. Pero sa halip na "no" ang iboto ni Baisendig, nag-abstain ito.

Nirerespeto naman ng kampo ni Estrada ang hindi pagsuporta ng misis ni Dilangalen at nilinaw na hindi sinibak si Dilangalen kundi kusa itong nagbitiw sa posisyon.

"Siguro he resigned out of delicadeza kasi nga hindi siya nakatupad sa panawagan ni Pangulong Estrada," ayon kay San Juan Mayor JV Ejercito.

Kaugnay nito, sinibak na rin ni Estrada si Bulacan Rep. Pedro Pancho bilang miyembro ng Pwersa ng Masang Pilipino matapos nitong aminin na tumanggap siya ng P21 milyong halaga ng proyekto mula sa administrasyon. (Ulat nina Malou Rongalerios/Edwin Balasa)

BAISENDIG DILANGALEN

BULACAN REP

DIDAGEN DILANGALEN

DILANGALEN

EDWIN BALASA

MAGUINDANAO REP

MALOU RONGALERIOS

MASANG PILIPINO

PANGULONG ESTRADA

PEDRO PANCHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with