270 pamilya sinagip ng SITI
September 7, 2005 | 12:00am
Mabibigyan ng pag-asang makapamuhay nang maayos at legal ang may 270 pamilya na pawang miyembro ng Gabay ng Rodriguez Neighborhood Association, Inc. (GRNAI) sa Montalban, Rizal sa pamamagitan ng agarang pagkilos ng Samahan ng Ilaw ng Tahanan Inc. (SITI).
Inihayag ng SITI na kasalukuyan nang isinasailalim sa legal na proseso ang papeles at dokumento ng pabahay ng GRNAI sa ilang ahensiya ng pamahalaan upang magkaroon ng sariling tahanan ng mga pamilya na miyembro ng naturang samahan.
"Ilang beses na silang naging biktima ng sindikato. Kaya kumilos kami agad na isailalim sa legal na proseso ang kanilang paninirahan matapos silang lumapit sa aming samahan," anang SITI.
Kamakailan, humingi ng tulong sa SITI ang GRNAI sa pamumuno ni Alfredo Dotarot, presidente ng naturang samahan, hinggil sa ipinalabas na eviction notice ng lokal na pamahalaan ng Rodriguez.
Sa ngayon, kasalukuyang naghahanap ng bakanteng lote ang SITI upang maipamahagi sa mga miyembro ng GRNAI.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended