Listahan ng pala-absent na kongresista
September 5, 2005 | 12:00am
Nanguna sa listahan ng mga absenerong kongresista sa 13th Congress si Negros Occidental Rep. Carlos Cojuangco, anak ng billionaire businessman na si Eduardo "Danding" Cojuangco.
Base sa records ng Journal Service ng House of Representatives, nakapagtala si Cojuangco ng 38 absent kabilang na ang mga pagbiyahe niya sa ibang bansa.
Sa kanyang mga pag-absent, ang 20 beses rito ay opisyal na ipinaalam sa Secretariat, 16 ang official mission abroad at isa sa kanyang distrito. Ang iba pa niyang absent ay hindi ipinaalam sa Kamara.
Pinaniniwalaan na nanguna sa listahan ng pala-absent na kongresista si Cojuangco matapos magkasakit ang kanyang asawa na si ex-beauty queen at TV host Rio Diaz na namatay dahil sa colon cancer noong Oktubre 2004.
Pumangalawa kay Cojuangco si Albay Rep. Carlos Imperial na may 37 absent, sinundan ni Tarlac Rep. Gilbert Teodoro (31); Nueva Ecija Rep. Eleuterio Violago (28); Albay Rep. Joey Salceda (24) at Bukidnon Rep. Nereus Acosta (24).
Ang record ay base sa session days kung saan tinatawag ang pangalan ng mga kongresistang dumalo sa sesyon. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest