^

Bansa

1 pang solon pipirma sa impeachment

-
Sumama na rin sa listahan ng sumusuporta sa impeachment laban kay Pangulong Arroyo si Bataan Rep. Antonio Roman, miyembro ng Liberal Party (LP).

Si Roman ay lumantad sa isinagawang pa-misa ng oposisyon sa La Salle Greenhills, San Juan kamakalawa ng gabi na dinaluhan din nina dating Pangulong Cory Aquino at Susan Roces.

Matapos ang misa, naki-meeting si Roman sa pro-impeachment solons sa isang restoran sa Annapolis, Greenhills. Kasama niya rito si Las Piñas City Rep. Cynthia Villar.

Base sa opisyal na record ng House secretary general, mayroon pa lamang 49 congressmen ang lumalagda sa impeachment complaint bilang endorsers. Hindi kasama sa nasabing bilang si Roman na inaasahang pormal na pipirma bukas.

Nakatakdang ilabas ngayong Lunes ang pangalan ng mga kongresistang susuporta sa impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo.

Samantala, pinaghahandaan na ng pamahalaan ang sunud-sunod na rali na isasagawa ng mga kalaban ni Pangulong Arroyo matapos mabigo ang pro-impeachment solons na makakuha ng 79 lagda.

Ayon kay Davao City Rep. Prospero Nograles, siguradong masusundan pa ang mga rali ng oposisyon sa pag-asang makiisa sa kanila ang taumbayan at magkaroon ng panibagong pag-aaklas sa EDSA.

Pero wala anyang "impact" ang nangyaring prayer rally sa La Salle Greenhills dahil mas marami pa rin ang naniniwala na dapat pairalin ang batas. (Malou Rongalerios/Rudy Andal)

ANTONIO ROMAN

BATAAN REP

CITY REP

CYNTHIA VILLAR

DAVAO CITY REP

LA SALLE GREENHILLS

LAS PI

LIBERAL PARTY

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with