Drilon ilalaglag sa LP
September 3, 2005 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ng dalawang mambabatas na nanganganib nang mawasak ang Liberal Party (LP) na posibleng maging dahilan sa pagkakasipa sa puwesto ni Senate President Franklin Drilon na tumatayong presidente ng partido.
Sinabi nina Reps. Danilo Suarez (Quezon) at Eric Singson (Ilocos Sur), gumagawa na ng paraan ang mga lider ng LP kabilang si Judy Araneta Roxas, asawa ng namayapang si Sen. Gerardo Roxas, dating presidente ng LP upang maibalik ang pagkakaisa ng partido na nawawasak dahil sa impeachment laban kay Pangulong Arroyo.
Ayon sa ulat, hindi pabor si Mrs. Araneta na ma-impeach si Arroyo at wala pang stand ang kanyang anak na si Sen. Mar Roxas.
Halos hati ang posisyon ng mga miyembro ng LP kung saan 9 na miyembro nito ang nakalagda sa reklamo kasama sina Drilon at ex-DepEd Sec. Florencio Abad, habang 23 naman ang sumusuporta sa Presidente kasama sina Suarez at Singson.
Nakatakdang magsagawa ng party caucus ang LP sa sandaling matapos na ang proseso ng impeachment. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended