^

Bansa

Chavez sinupalpal ng SC sa contempt

-
Kinatigan ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Senado na patawan ng parusang contempt si dating Solicitor General Frank Chavez.

Sa resolusyong ipinalabas ng SC, sinabi nito na walang merito ang petisyon ni Chavez para siya panigan ng mga mahistrado ng SC.

Sinabi ng SC na dapat ay ginamit muna ni Chavez ang lahat ng paraan sa Senado sa pamamagitan ng paghahain ng apela upang maibasura ang parusang contempt bago siya humingi ng saklolo sa Korte. Bunga nito, hindi maaaring kunin si Chavez bilang abogado ng mga witnesses sa loob ng Senado hanggang sa ika-13th Congress o hanggang taong 2007.

Si Chavez ay na-contempt matapos makipagtalo at makipagsigawan kay Sen. Richard Gordon noong Hulyo 12, 2005 habang nasa kasagsagan ng jueteng hearing. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BUNGA

CHAVEZ

CRUZ

HULYO

KINATIGAN

KORTE

RICHARD GORDON

SENADO

SI CHAVEZ

SOLICITOR GENERAL FRANK CHAVEZ

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with