Pagdinig sa impeachment tuloy ngayon
August 16, 2005 | 12:00am
Itutuloy ngayon ng House committee on justice ang pagdinig sa Impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo.
Inaasahan na rin ng oposisyon ang mahabang debate ng mga miyembro ng komite na pinamumunuan ni Rep. Simeon Datumanong.
Kabilang sa inaasahang pagtatalunan sa komite ay kung anong impeachment complaint ang kanilang tatalakayin at kung dapat bang isama ang amended complaint.
Nagtataka din si House Minority Leader Francis Escudero kung bakit namimili si Mrs. Arroyo ng mga reklamo na nais niyang sagutin.
Maging si Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano ay nagtataka kung bakit iginigiit ni Alagad Rep. Rodante Marcoleta na ang inendorso niyang impeachment complaint ni Atty. Oliver Lozano ang dapat talakayin gayung mahina ito kaya pinalakas sa pamamagitan ng amended complaint.
Inaasahan na unang titingnan ng komite ay kung may sapat na porma o sufficient in form ang inihaing impeachment complaint. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest