^

Bansa

Tita Cory nakipagkita sa mga obispo

-
Dinedma ng Malacañang ang napabalitang pagpunta ni dating Pangulong Cory Aquino sa mga obispo para kausapin ang mga itong ipursige ang paghiling na bumaba sa puwesto si Pangulong Arroyo.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, wala siyang impormasyon kung totoo ngang nagpunta ang dating presidente sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Gayunman, kung sakaling nangyari nga ito, inirerespeto ng Palasyo ang paninindigan ni Mrs. Aquino.

"Irespeto na lang natin ang posisyon ni Pangulong Aquino, pero sa palagay ko naman, may sariling pag-iisip ang mga obispo katulad ng nangyari matapos ang July 13 na sa pag-aakala nila ang stand ng mga obispo ay katulad ng stand ng mga bumabatikos kay Presidente," ani Ermita.

Sinabi pa ni Ermita na matatalino ang mga obispo na tinatawag na Prince of the Church at sila ang magpapasya kung ano talaga ang tama sa sitwasyong ito. (LATolentino)

AYON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DINEDMA

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

MRS. AQUINO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG CORY AQUINO

PRINCE OF THE CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with