Policewoman timbog sa nakaw na cellphone
August 13, 2005 | 12:00am
Isang policewoman ang inaresto matapos itong akusahan na nagnakaw ng cellphone habang namimili ito sa isang boutique sa isang shopping mall sa Makati City, kamakalawa ng gabi.
Nasa kustodya ngayon ng Makati City Police ang suspect na si PO2 Conchita Guevarra, 47, nakatalaga sa Macabebe, Pampanga Police Station.
Ang nagharap naman ng reklamo ay nakilalang si Beverly Budy, 28, dalaga.
Sa imbestigasyon ni PO2 Rody Tallud, ng Theft and Robbery Section ng Makati City police, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa loob ng Mango Boutique sa Makati City.
Habang namimili si Budy ay nandoon din at umanoy namimili si PO2 Guevarra nang mapansin ng dalaga na nawawala ang kanyang cellphone.
Nang inspeksiyunin ng guwardiya sa boutique ang bag ng babaeng pulis ay nakita rito ang isang cellphone na positibong itinuro ng dalaga na sa kanya.
Kaagad na ipinaaresto sa mga pulis si PO2 Guevarra ngunit mariing itinanggi nito na ninakaw niya ang naturang cellphone.
Posible aniyang inilagay lamang sa kanyang bag ang cellphone dahil ayon dito nawawala din ang kanyang pera na nagkakahalaga ng P2,000.
Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended