Zuce kinasuhan sa Ombudsman
August 12, 2005 | 12:00am
Sinampahan ng kasong katiwalian, panunuhol at estafa sa tanggapan ng Ombudsman si jueteng witness Michaelangelo Zuce ni dating San Fernando, Masbate Mayor Charito Abapo.
Ang pagsasampa ng kaso ay nag-ugat makaraang kikilan ni Zuce na nooy technical assistant sa Presidential Liaison Office for Political Affairs ng halagang P1.5 milyon ang alkalde.
Lumalabas na nakahain ang electoral protest sa Comelec ni Abapo at inalok ito ni Zuce na maisasaayos ang problema pabor sa kanya sa halagang P6 milyon.
Sinabi ni Abapo na ginamit ni Zuce ang kaniyang posisyon para makakuha ng pera at makapanloko at umabuso pa ito makaraang magyabang na may impluwensya siya upang makakuha ng paborableng resolusyon sa protestang isinampa ng alkalde sa poll body. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended