^

Bansa

Barkong nagdadala ng mga babae sa Malaysia para gawing prosti, tugis

-
Inatasan ng Department of Justice (DoJ) ang Philippine Coast Guard (PCG) na imbestigahan ang may-ari ng isang sasakyang pandagat at isang kapitan na umano’y nagdadala ng mga kababaihan patungong Malaysia upang gawing prostitute.

Sa isang pahinang liham ni Justice Sec. Raul Gonzalez kay PCG Commandant Rear Adm. Arthur Gosingan, sinabi nito na dapat magsagawa agad ng imbestigasyon ang mga tauhan nito upang matukoy kung sino ang may-ari ng isang shipping vessel at kung sino ang kapitan nito na naghahatid ng mga kababaihan patungo sa nasabing bansa.

Ayon kay Gonzalez, isang kumpirmadong ulat ang natanggap ng DoJ mula sa mga nabiktimang kababaihan sa Mindanao, kung saan pinangangakuan umano ang mga ito ng trabaho ng ilang ‘di kilalang illegal recruiters at pagdating sa Malaysia ay ginagawa umanong prostitute ang mga ito.

Sinabi pa ni Gonzalez na maaaring magkasabwat ang mga illegal recruiters at ang kapitan ng barkong naghahatid sa mga nasabing biktima dahil nagbibigay umano ang kapitan ng "ringgit" bilang suhol sa mga awtoridad sa Malaysia.

Humingi umano ng tulong ang mga nasabing biktima sa DoJ upang sila ay mapabalik sa bansa sa tulong na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Iniutos din ni Gonzalez sa PCG ang pagbabantay at pag-iimbestiga sa lahat ng mga barkong bumibiyahe sa Zamboanga, Jolo patungong Sandakan at Lambuan upang masakote ang naturang barko. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ARTHUR GOSINGAN

AYON

COMMANDANT REAR ADM

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GONZALEZ

JUSTICE SEC

PHILIPPINE COAST GUARD

RAUL GONZALEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with