Oposisyon nalagasan na: Cam, Mayor aayaw na!
August 7, 2005 | 12:00am
Nalalagasan na ng testigo ang oposisyon dahil matapos bumaligtad si Richard Garcia ay inaalok na rin umano ang dalawa pang jueteng witness na sina Sandra Cam at Wilfredo "Boy" Mayor ng malaking halaga kapalit ng pagbawi sa kanilang testimonya na nagdidiin sa First Family sa jueteng payola.
Ayon sa impormante, inalok umano si Cam ng halagang P30 milyon upang bawiin ang kanyang pahayag na siya ang naghatid ng P500,000 kay Pampanga Rep. Mikey Arroyo at P400,000 kay Negros Occidental Rep. Ignacio "Iggy" Arroyo noong Disyembre 2004 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang buwanang jueteng payola mula sa Bicol.
Hindi naman mabatid sa source kung magkano ang perang itatapal kay Boy Mayor para baguhin ang salaysay nito.
Si Mayor, dating jueteng operator umano sa Bicol ay nagbigay ng buwanang P600,000 sa presidential son na si Mikey sa pamamagitan ng bagman nitong si Arthur Naguit makapag-operate lamang ng jueteng sa Baguio City.
Sinabi pa ng source, mula nang umalis sa kanila si Garcia ay sunud-sunod na text messages ang natatanggap nina Cam at Mayor para tuluyang bawiin ang kanilang testimonya sa Senate committee on public order and illegal drugs at committee on games and amusement.
Ipinahayag naman ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na umatras na ang kanyang dalawa pang bagong testigo na nakatakdang humarap sa Senado sa susunod na linggo matapos na matakot sa harassment ng Palasyo.
Kaugnay nito, tiniyak ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na haharap sa pagdinig ng Senado sa jueteng payola scandal si dating Isabela Gov. Faustino Dy Jr. upang ilahad ang kanyang nalalaman sa suhulang naganap sa bahay ng Pangulo sa La Vista Subd. sa Quezon City.
Aniya, sinabihan na siya ng taong malapit kay Dy na haharap ito sa pagdinig ng dalawang nabanggit na komite ng Senado.
"I have not spoken to Gov. Dy. But its clear he will come for the investigation. I came to know this through a friend who is in contact with the former governor," ani Pimentel. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended