^

Bansa

Random drug test sa mga korte, ikakasa

-
Nakatakdang isailalim sa random drug testing ang mga miyembro at empleyado ng hudikatura sa buong bansa kasama na ang mga mahistrado matapos na ipag-utos ito ng Korte Suprema.

Sa 3-pahinang Memorandum Order No. 35-2005 na inilabas ni Chief Justice Hilario Davide, binuo ang panel na tinawag na "Drug Testing Task Force" na siyang magtatakda ng guidelines para sa drug tests na ipatutupad.

Pamumunuan naman ito ni Judge Reuben dela Cruz bilang chairman at bilang vice-chairman na si Dr. Prudencio Banzon Jr., kasalukuyang medical at dental clinic chief ng SC.

Layunin ng naturang hakbang na matiyak na wala ni isa man sa mga hukom, piskal, at mga empleyado ng SC na gumagamit ng ilegal na droga.

Magiging sorpresa umano ang mga isasagawang drug testing sa iba’t ibang korte sa buong bansa upang mabuko ang mga gumagamit ng droga.

Makikipag-ugnayan rin ang naturang task force sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang masampahan ng kaso ang mga miyembro ng hudikatura na mapapatunayang gumagamit ng illegal drugs at pagpapadala sa kanila sa mga rehabilitation centers. (Danilo Garcia)

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

CRUZ

DANILO GARCIA

DR. PRUDENCIO BANZON JR.

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG TESTING TASK FORCE

JUDGE REUBEN

KORTE SUPREMA

MEMORANDUM ORDER NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with