^

Bansa

Puwersa vs GMA!

- Ni Ellen Fernando -
Dahil sa kabiguang mapabagsak si Pangulong Arroyo, nagpaplano na umano ng mas matindi pang "war scenario" ang oposisyon at gagamitin ang puwersa ng makakaliwang grupo.

Ayon kay National Security Adviser Norberto Gonzales, bagaman patuloy ang pamahalaan sa pagsasagawa ng hakbang upang tiyakin ang seguridad ng bansa sa mga bantang kaguluhan at pigilan ang marahas na mga kilos-protesta, hindi pa rin titigil ang oposisyon na guluhin ang liderato ni Pangulong Arroyo.

Base sa natanggap na intelligence report, sinabi ni Gonzales na nakikipag-ugnayan na umano ang oposisyon sa mga communist groups gaya ng New People’s Army (NPA) upang aktibong makipagpartisipa sa isang marahas na hakbang na naglalayong makapang-agaw ng kapangyarihan bukod pa sa paggamit ng oposisyon bilang "bala" laban sa Pangulo ang kontrobersyal na "Gloriagate CD".

"We have an opposition now so emboldened it has adopted as stance of a war scenario where law or rules don’t matter anymore," ani Gonzales.

Ibinunyag ni Gonzales na umabot sa 80%-85% na sumama sa anti-government pickets at rallies ay mga miyembro ng komunistang organisasyon na nagbago ng kanilang istratehiya laban sa pamahalaan.

Nabatid na bumuo na umano ang NPA at ibang underground groups ng kanilang "special operations groups" na magsasagawa ng asasinasyon at pambobomba sa buong bansa.

Posible aniya na mula sa komunistang grupo ay may mag-sakripisyo sa kanilang hanay upang madiin ang gobyerno sa mga kasagsagan ng kilos-protesta.

"They are trying to intensify moves to topple the President," ani Gonzales.

Dahil dito, hinigpitan ang seguridad sa mga ports, malls, bus stations at mga pantalan dahil sa posibleng mapasok ng mga mananabotahe sa mga nakatakdang rally. (May ulat ni Paolo Romero)

AYON

DAHIL

GLORIAGATE

GONZALES

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

NEW PEOPLE

PANGULONG ARROYO

PAOLO ROMERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with