^

Bansa

Investors umaatras: Dollars papalo sa P57

-
Pinangangambahang pumalo sa P57 ang palitan kada isang dolyar dahil sa matumal na pagpasok ng dolyar sa bansa. Bukod sa pag-iwas ngayon ng mga negosyante na mamuhunan, bumaba na rin ang bilang ng mga turistang pumapasok sa bansa dahil sa kaguluhan sa pamahalaan.

Inamin kahapon ng Department of Tourism (DOT) na bagsak ngayon ang industriya ng turismo sa bansa dahil sa banta ng destabilisasyon dulot ng kontrobersiyal na Gloriagate scandal.

Sinabi rin ni Philippine Tourism Authority (PTA) General Manager Robert Dean Barbers na nararapat na maresolba sa mabilis na panahon ang krisis pampulitika dahil sa lubhang apektado nito ang industriya ng bansa.

Dahil sa banta ng destabilisasyon at kudeta laban sa kasalukuyang gobyerno, nagdadalawang-isip na magbakasyon sa bansa ang mga turista dahil sa takot na maipit sa kaguluhan rito.

Idagdag pa rito ang ipinalabas na "travel advisory" ng bansang Canada sa mga mamamayan nito na pansamantalang iwasan ang pagpunta sa Pilipinas dahil sa pagiging "unstable" ng gobyerno.

Kasabay nito ay inihayag ng Malacañang ang pagkakahirang kay dating Negros Oriental Congressman at Land Bank president Margarito "Gary" Teves bilang kapalit ng nagbitiw na si Finance Secretary Cesar Purisima.

Ang pagtatalaga kay Teves ay inaasahang makakatulong ng malaki sa pagsasaayos ng sitwasyong pampananalapi ng bansa na naapektuhan ng krisis pampulitika. (Ulat nina Danilo Garcia/Lilia Tolentino)

DAHIL

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TOURISM

FINANCE SECRETARY CESAR PURISIMA

GENERAL MANAGER ROBERT DEAN BARBERS

LAND BANK

LILIA TOLENTINO

NEGROS ORIENTAL CONGRESSMAN

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

TEVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with