^

Bansa

Gloriagate probe ngayon

-
Siniguro kahapon ng limang komite sa Kamara na tuloy ang isasagawang imbestigasyon sa ‘Gloriagate’ scandal sa isyu ng wiretapping habang magpapakalat naman ng anti-riot squad ang pulisya sa kapaligiran ng Kongreso dahil sa pagdagsa ng kilos-protesta dito ngayong araw na ito.

Sinabi ni Cavite Rep. Gilbert Remulla, kung sakaling isnabin ni Press Secretary Ignacio Bunye ang imbestigasyon ngayon ng Kamara ay mahihirapang magpalabas ng subpoena dito dahil nasa France si House Speaker Jose de Venecia.

Wika pa ni Rep. Remulla, chairman ng house committee on public information, hanggang sa kasalukuyan ay nagkumpirma ng pagdalo naman si Sec. Bunye subalit sa sandaling isnabin niya ang pagdinig ay hindi agad makakapagpalabas ng subpoena ang Kongreso dahil nasa abroad si Speaker de Venecia.

Aniya, kung sakaling hindi dadalo si Bunye sa pagdinig ng Kamara ay lalo lamang magkakaroon ng pagdududa ang taumbayan at hindi ito magiging pabor sa administrasyon.

Ang mga inaasahang dadalo ngayon sa pagdinig ng Kamara sa wiretapping ay sina Bunye at NBI director Reynaldo Wycoco habang sa Huwebes naman ay inaasahang dadalo si Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.

Ihahatid naman ngayon ang sulat para sa Pangulong Arroyo upang magbigay ito ng kanyang komento sa isyu ng wire-tapped audio taped.

Ang sulat ng komite ay ihahatid mismo ng House Sergeant-at-Arms at isusunod na padadalhan naman ay sina First Gentleman Mike Arroyo, Comelec Comm. Garcillano, dating Sen. Robert Barbers, Edgar Ruado na chief of staff ni Negros Occ. Rep. Iggy Arroyo.

Pinababantayan naman sa media ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos ang isasagawang pagdinig ng Kamara sa isyu ng wiretapping habang pinasisiguro naman ni Parañaque Rep. Roilo Golez, chairman ng house committee on national defense, kay Justice Secretary Raul Gonzales na makakadalo sa susunod na pagdinig sa Huwebes si Comm. Garcillano.

Samantala, iginiit naman ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na hindi kailangang humarap si Pangulong Arroyo sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa audio tape isyu.

"There is no need to invite the President to the congressional hearing. What is important is whether indeed the woman’s voice in the tape is hers. And there are experts who will be invited to analyze the voices in the tapes as part of our legislative inquiry," wika pa ni Sen. Pimentel.

Sa panig naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, dapat irespeto ng Kamara ang ‘executive privilege’ ni Pangulong Arroyo lalo kung ito ay nakabatay sa usapin ng national security secrets.

"Congress should focus on passing presidential materials law which will direct the administrator of the General Services Administration to take custody of any president’s papers and tapes, process and screen them, return to a former president those items that are personal in nature, and establish the terms in which the public might eventually have access for the remainder of the materials," paliwanag pa ni Sen. Santiago.

Magpapakalat naman ng may 400 anti-riot police mula sa National Capital Region sa paligid ng Batasan complex sa araw na ito sa pagsisimula ng pagdinig ng Kamara sa ‘Gloriagate scandal’.

Ayon kay NCRPO director Vidal Querol, ang mga pulis ay ikakalat sa limang entry points patungong IBP road kung saan ay inaasahang dadagsa ang mga magsasagawa ng kilos-protesta sa pagsisimula ng pagdinig ng Kamara sa wiretapped audio taped na sinasabing hawak ni whistle-blower Atty. Samuel Ong.

Nagbabala din si Querol sa mga ralista partikular ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Erap Estrada at iba pang grupo na mahigpit nilang ipapatupad ang ‘no permit, no rally’ policy. (Ulat nina Malou Rongalerios, Edwin Balasa at Rudy Andal)

BUNYE

CAVITE REP

COMELEC COMM

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

EDGAR RUADO

EDWIN BALASA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

KAMARA

NAMAN

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with