^

Bansa

Hanggang Dubai kilala!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Birthday ngayon ng kaibigan kong si Jerry Lopez Sineneng. Direk Jerry is one person na malapit sa puso ko. Magaan katrabaho si direk. Malaki ang pagpapahalaga ni Direk Jerry sa tunay na kahulugan ng salitang pagkakaibigan. Kaya mahal na mahal ko si Direk Jerry.

Direk Jerry rose from the ranks. Mula sa pagiging isang production assistant, naging production designer, writer at ngayon ay isa na sa pinakamatagumpay na direktor sa telebisyon at pelikula. Masaya ako sa na-accomplish ni Direk Jerry sa kanyang career.

Isa si Direk Jerry sa mga well-loved personalities sa ABS-CBN at Star Cinema. Everybody would love to work with him. Marami rin nagsisimula sa kanilang career ang gustong maging mentor si Direk Jerry.

Kagabi, walang kaalam-alam si Direk Jerry na isang surprise party ang inihanda para sa kanya nina Malou Santos, Olivia Lamasan at Rory Quintos. Ang tatlo ang bestfriends ni Direk Jerry. Ginanap ang party sa Dish sa ABS-CBN.

At ngayong ispesyal na araw na ito sa buhay ng kaibigan ko, hangad ko ang lahat ng mabuti para sa kanya. Happy birthday, Direk Jerry. Please remain the same person that you are now.
* * *
Hindi nagkamali ang ABS-CBN management sa desisyon na si Jerome Sala ang gawing champion sa Search For The Star In A Million. Napatunayan ng ABS-CBN na malakas talaga ang karisma sa tao ni Jerome.

"He has his own appeal sa tao," reacts a showbiz insider.

Immediately after winning, sinimulan na ng Star Records ang kanilang plano para kay Jerome. Agad na nagpatawag ng presscon para sa Search For The Star In A Million album kung saan part ang "One In A Million You" song ni Jerome.

At hindi lang nagtatapos sa Pilipinas ang kasikatan ni Jerome. Kamakailan ay dumating si Jerome mula sa isang successful trip sa Dubai. Pinoy Idol Search ng The Filipino Channel. Part ng winning ni Jerome sa SFSIAM ay ang maging performer sa nasabing singing search sa Dubai. Hanggang Dubai ay kilalang-kilala na si Jerome.

Ngayong July, ii-invade naman ni Jerome ang America. Yes, he is set to perform before Filipino audiences sa Los Angeles at San Francisco.
* * *
Hit na hit ngayon ang "Pangarap", ang hit single ni Karel Marquez! In fact, the song is enjoying tremendous airplay sa radio. At tiyak na lalo pa itong hahataw kapag ipinalabas na ang "Oh, Feel Young", ang bagong Koreanovela ng ABS-CBN na magsisimula sa Lunes.

Marami ang nagulat sa pagkakakanta ni Karel ng "Pangarap." Marami nga ang nag-akala na ang nasabing song ay kinanta nina Kitchie Nadal o Hanna o Barbie. But it’s Karel!

Tanggap na tanggap ng tao ang pagiging singer ni Karel. Although, nariyan pa rin ang iba pa niyang exposure ‘tulad ng Qpids at MYX kung saan isa siya sa mga VJ.

vuukle comment

DIREK

DIREK JERRY

DUBAI

FEEL YOUNG

JEROME

JERRY

KAREL

MARAMI

SEARCH FOR THE STAR IN A MILLION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with