^

Bansa

4 Pinoy sa Saudi pinugutan

-
Apat na OFW na sinasabing nakapatay sa kapwa Pinoy ang pinugutan ng ulo sa Saudi Arabia ngunit ang kanilang mga bangkay ay ipinagkakait na ibigay sa kanilang pamilya.

Ayon kay Maita Santiago, sec-gen. ng Migrante International, sinadya umanong itago sa mga mamamahayag ang ginawang pagbitay kina Sergio Aldana, Miguel Fernandez Jr., Wilfredo Bautista at Antonio Alvesa.

Ang apat ang itinuturong responsable sa pagpatay sa biktimang si Jaime dela Cruz.

Ibinunyag ni Santiago na noong Marso 14, 2005 pa pinugutan ng ulo ang apat dahil na rin sa desisyong ipinataw ng Taif Higher Court na pinagtibay naman ng Makkah Tameez Court sa Saudi.

Hindi man lamang umano nakarating sa kaalaman ng media at pamilya ng mga biktima ang ginawang pagpugot sa ulo ng apat.

Inihayag pa ni Santiago na ginawa ang pugutan sa kabila ng pagtanggap na ng ‘blood money’ ng pamilya dela Cruz at pagkakaroon na ng ‘amicable settlement’ sa kinakaharap na kaso.

Sinasabing ipinagbili ang lahat ng ari-arian ng pamilya ng apat para ibayad sa pamilya ng biktima gayundin ang nakolektang ‘contributions’ mula sa Filipino community sa Saudi subalit itinuloy pa rin ang pagpugot.

Nananawagan ang Migrante at pamilya ng apat sa gobyerno partikular sa DFA na piliting makuha kahit ang mga bangkay ng mga pinugutan para man lamang mabigyan ng magandang libing at mapaglamayan. (Ulat ni Mer Layson)

vuukle comment

ANTONIO ALVESA

CRUZ

MAITA SANTIAGO

MAKKAH TAMEEZ COURT

MER LAYSON

MIGRANTE INTERNATIONAL

MIGUEL FERNANDEZ JR.

SAUDI ARABIA

SERGIO ALDANA

TAIF HIGHER COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with