^

Bansa

Mikey atbp. idinawit ng witness

-
Idinawit ng suprise witness ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz sa isinagawang jueteng probe ng Senado ang pangalan ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo at 3 pang kongresista sa Bicol region at mga local executives na umanoy’ nakinabang sa jueteng payola.

Nabigo namang idawit ng suprise witness ni Archbishop Cruz sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo sa isyu ng jueteng bukod sa pag-amin agad ng witness na si Wilfredo Mayor alyas Boy Bicol na jueteng lord ng Albay, Baguio City at Pangasinan na hindi niya direktang nakausap si Rep. Arroyo kundi ang bagman lamang niyang si Kaloy ang nagbibigay umano ng P600,000 kada buwan para sa tinatawag na ‘anak’ noong 2002.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Press secretary at presidential spokesman Ignacio Bunye na suportado ng Palasyo ang isinasagawang imbestigasyon sa jueteng pero dapat daw mag-ingat ang mga senador dahil baka ginagamit lamang sila sa ‘character assassination’ bilang bahagi ng destabilization plot laban sa Arroyo government ng oposisyon.

Ayon kay Mayor, umaabot sa P8 milyon ang naibibigay niyang ‘buwanang payola’ sa mga kongresista na sina Albay Rep. Krisel Lagman-Luistro, Rep. Carlos Imperial, Rep. Joy Salceda na dumadaan sa kanyang bagman na si Kaloy, mga alkalde, regional command ng PNP, provincial command ng PNP, NBI, DILG, Intelligence Group, Media-Manila at local media para sa Albay operations lamang niya mula 2001 hanggang 2003 pero wala siyang direktang kaalaman dito dahil puro bagman lamang naman ang nakakausap ng kanyang administrador tungkol dito. Ang payola naman daw sa Camp Crame ay dumadaan umano sa isang alyas Gener David o Boy Tangkad.

Aniya, umaabot sa P2.5 milyon hanggang P3 milyon ang kanyang jueteng collections para lamang sa lalawigan ng Albay.

Winika pa ni Mayor, pinasok din niya ang jueteng operations sa Baguio City at Pangasinan kung saan ay nakabangga niya sina alyas Ngo-Ngo, Romy Lajara, Bong Pineda at Arman Sanchez.

Iginiit ng witness sa joint committee hearing ng Senado na pinamumunuan nina Sen. Lito Lapid at Sen. Manuel Villar Jr. na madaling supilin ang jueteng operations kung gugustuhin lamang ng mga namumuno na ipatigil ito.

Ganito din ang paniniwala ni Bishop Cruz kaya hindi na kailangan na gawing legal ang sugal na jueteng dahil ‘political will’ lamang ang kailangan para mapatigil ito ng tuluyan.

Sinabi pa ni Cruz, mayroong ihaharap pa siyang mga testigo sa susunod na pagdinig ng Senado ukol sa jueteng scandal.

Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na dapat pairalin din ng DILG ang ‘one strike policy’ sa hanay ng mga barangay chairmen kung saan ay dapat suspindihin ito ng mga alkalde at gubernador sa sandaling mapatunayang mayroong jueteng operations sa kanyang lugar tulad ng ginawa ni PNP chief Arturo Lomibao.

Samantala, inireklamo naman kay Justice Sec. Raul Gonzales si Sorsogon Gov. Raul Lee ni Board Member Rebecca Aquino dahil sa pagkakasangkot ng una sa jueteng scandal. (Ulat nina Rudy Andal, Ellen Fernando at Grace dela Cruz)

ALBAY

ALBAY REP

ARCHBISHOP CRUZ

ARMAN SANCHEZ

ARTURO LOMIBAO

BAGUIO CITY

BISHOP CRUZ

JUETENG

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with