^

Bansa

PNP heightened alert sa terror attack

-
Ipinatutupad ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang heightened alert status sa gitna na rin ng patuloy na banta ng terorismo matapos ang panibagong pagpapasabog ng mga terorista kamakalawa sa Sulawesi, Indonesia na ikinasawi ng 20 katao at ikinasugat ng 40 iba pa.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Leopoldo Bataoil, bagaman wala naman silang natatanggap na intelligence report na susunod targetin ng mga teroristang grupo ang Pilipinas ay mas mabuti na ang nakahanda sa lahat ng oras.

Binigyang diin ng opisyal na sa kabila ng pinaigting na kampanya laban sa illegal gambling partikular na sa jueteng ay mananatili ang defense system ng PNP kontra terorismo.

"Our intelligence gathering and sharing with the other intelligence in continuing target hardening of vital installation, key economic zones and people convergence maintained and readiness check of our incident management," ani Bataoil.

Kaugnay nito, inatasan ni PNP Chief Arturo Lomibao si Director Simeon Dizon, Director ng PNP Intelligence Group na ideterminang mabuti ang antas ng banta ng terorismo sa bansa.

Pinaaalerto ni Lomibao ang lahat ng field units ng PNP upang paigtingin pa ang pagpapatrulya at police visibility sa mga palengke, malls at mga terminals. (Joy Cantos )

AYON

BATAOIL

BINIGYANG

CHIEF ARTURO LOMIBAO

DIRECTOR SIMEON DIZON

INTELLIGENCE GROUP

JOY CANTOS

LEOPOLDO BATAOIL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SPOKESMAN SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with