Klase hirit sa September
May 22, 2005 | 12:00am
Kung si Nacionalista President Senador Manny Villar ang masusunod, hindi pa dapat magbukas ang klase ngayong Hunyo kundi sa buwan ng Setyembre.
Ayon kay Sen. Villar, ang pasukan sa bansa ay nagsisimula mula Hunyo at Marso, mga panahon kung kailan binabayo ng ulan at bagyo ang Pilipinas. Dahil dito kadalasan ay suspendido ang klase dahil sa matinding pagbaha ng mga lansangan, buhol-buhol na daloy ng trapiko at pagsasaayos ng mga daan.
Bukod pa dito, nagiging kandidato sa sakit ang mga estudyante dahil maaari silang dapuan ng ubo, sipon at lagnat bunga ng malimit na pag-ulan.
Kaya naman minarapat ni Villar na ihain ang Senate Bill 565 na naglalayong palitan ng Setyembre hanggang Mayo ang kasalukuyang Hunyo-Marso sa school calendar.
"Panahon na sigurong magpatupad ng pagbabago di lamang para sa kapakanan at kalusugan ng mga mag-aaral kundi para sa ating bansa na sumabay sa International School Calendar na Setyembre hanggang Mayo," ani Villar.
Idinagdag pa ng senador na kailangang maging bukas ang isipan ng lahat sa planong pagbabago ng school calendar.
"Hihingin natin ang opinyon ng ibat ibang sektor ukol dito tulad ng estudyante, guro at mga magulang. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest