^

Bansa

Remittance ng Pinoy seamen tataas pa

-
Inaasahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na lalo pang tataas ang remittance ng mga Filipino-based workers sa taong ito matapos magdesisyon ang JO Tankers AS sa Bergen, Norway na kunin ang serbisyo ng karagdagang mga Pinoy seafarers. Ang JO Tankers ang pangatlo sa pinakamalaking chemical tanker fleet sa buong mundo.

Dahil dito, tinatayang mahihigitan pa ang $1.461 billion remittance ng mga marinong Pinoy sa nagdaang taon. Sa muling pagbisita sa Pilipinas ni Kjell Ove Breivik, director for ship management ng JO Tankers, ipinagmalaki nito ang pag-angat ng kanilang kumpanya nitong 2004 at first quarter ng 2005.

Upang mas mapanatili ang competitive edge ng JO Tankers, ipinahayag ni Breivik ang pagbibigay prayoridad sa pag-eempleyo ng Pinoy senior officers. Papalitan ng mga Pinoy ang ilan nilang European counterparts at mga tripulanteng Indonesians. Target ng JO Tankers na makakuha ng 780 Pinoy officers sa pagtatapos ng taong 2006. Sa ngayon, 22 sa kabuuang 30 barko ng JO Tankers ang pinatatakbo na ng may 588 opisyal at tripulanteng Pinoy. (Ulat ni Mer Layson)

BERGEN

BREIVIK

DAHIL

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

INAASAHAN

KJELL OVE BREIVIK

MER LAYSON

PAPALITAN

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with