^

Bansa

Davide nire-recruit tumakbong Pangulo ng bansa

-
Pitong buwan bago ang kanyang pagreretiro Dis. 20, 2005, inaalok na si Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr. ng isang mataas na katungkulan kung saan pinatatakbo ito bilang pangulo ng bansa sa susunod na halalan.

Nabatid na kinukulit ngayon si Davide ng mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) dahil sa naniniwala sila na ito lamang ang magbibigay ng ‘bagong umaga’ sa Pilipinas.

Bigo naman sila matapos na tumanggi si Davide at tumutok na lamang sa pagiging ‘environmentalist’ at magsulat ng sarili niyang mga libro, ayon kay IBP national president Jose Anselmo Cadiz sa testimonial dinner na ibinigay nila para sa Chief Justice.

Ayon kay Cadiz, hindi sila kuntento sa sistema ng kasalukuyang pamahalaan habang higit 50 taon na umano na hindi nagmumula sa Visayas ang nakatuntong sa Malacañang bilang pangulo.

Sinabi naman ni Davide, buhat sa Argao, Cebu na nakatutok muna siya ngayon sa paggawa ng mga libro para sa kalikasan at ang anumang ihahayag niya para sa eleksyon sa 2010 ay masyadong makakasira para sa bansa.

Matatandaan na sumikat si Davide matapos na pamunuan nito ang impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada noong taong 2000. Ito rin ang nanguna sa panunumpa ni dating Bise Presidente Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong pangulo noong Enero 2001.

Idinagdag nito na ang tangi niyang alalahanin ngayon ay ang pagkakaroon ng bansa ng mga bagong huwes na pupuno sa mga bakanteng sala at manatiling marangal ang mga lumang huwes para sa mabilis na pagtakbo ng hustisya. (Danilo Garcia)

ARGAO

AYON

BIGO

BISE PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

CHIEF JUSTICE

DANILO GARCIA

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JOSE ANSELMO CADIZ

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with