^

Bansa

Abogado ng Petron sinuhulan ng P100-M

-
Inakusahan kahapon ng isang abogado ng Petron Corp. ang principal respondent ng multi-million damage suit na inihain ng nasabing oil company na siya ay sinusuhulan ng P80-P100 milyon upang maiurong ang nasabing kaso at "ilaglag" ang kanyang kliyente.

Sa sinumpaang salaysay ni Atty. Vicente Chuidian, sinabi nito na ang respondent na si Hermie Esguerra na nagmamay-ari ng Herma Transport and Shipping Corp. ay gumagawa na ng maruming taktika upang mapuwersa siya na bitawan ang P277 million case na hawak nito na ngayo’y nakabinbin sa Manila Regional Trial Court Branch 24.

Sa kabila ng kabiguan na "mabili", sinabi ni Atty. Chuidian na nakipagsabwatan na ngayon ang kanyang mga kalaban sa kinakapatid nito na si Rafael Ong Chuidian na umano’y nagpalabas ng "falsified documents" at "perjured affidavit" na nag-aakusa sa kanya ng "bribery".

Sinabi ng abogado na magsasampa siya ng mga kasong grave coercion, grave threats, perjury, falsification at qualified theft laban sa kanyang half-brother at mga kasamahan nito.

Magugunita na nagsampa nitong nakalipas na buwan ng P277-M damage suit ang Petron laban sa Herma dahil sa "pagnanakaw ng petrolyo" habang inilalakbay nito ang delivery na langis mula sa Bataan refiner sa storage terminals nito sa Pandacan depot sa Maynila mula 1999 hanggang 2004. (Ulat ni Ellen Fernando)

CHUIDIAN

ELLEN FERNANDO

HERMA TRANSPORT AND SHIPPING CORP

HERMIE ESGUERRA

INAKUSAHAN

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

PETRON CORP

RAFAEL ONG CHUIDIAN

VICENTE CHUIDIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with