Utol utak sa Ramos slay
May 11, 2005 | 12:00am
Itinuro kahapon ng isa sa mga suspek sa pagpatay kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Alicia Ramos na ang panganay na kapatid na babae nito ang utak sa krimen dahil sa hinahabol na pension nito sa Estados Unidos.
Sinabi ng suspek na si Roberto Lumagui na si Esther Ramos-Bailey ang nag-utos sa kanila na takutin ang biktima kapalit ng halagang P20,000.
Sinabi ni NBI-National Capital Region chief Atty. Edmund Arugay na posibleng dahil sa pension ang sanhi ng krimen dahil sa hindi umano kuntento si Bailey sa natatanggap na P20,000 nito kada buwan buhat sa pension niya sa yumaong asawa na isang dating US Marine.
Naniniwala umano si Bailey na si Asec. Ramos ang nakikinabang sa ibang bahagi ng kanyang pension na hindi ibinibigay ng buo sa kanya.
Inutusan umano sila na takutin lamang ang biktima upang lumayas sa kanilang bahay sa Palanan, Makati City at lumipat sa bahay nito sa Parañaque ngunit nagkamali sila sa pagbusal sa bibig nito sanhi upang hindi ito makahinga at tuluyang mamatay.
Sa interogasyon kay Lumagui, pumasok umano siya bilang trabahador kasama ang mga kasabwat na sina Joel Ablay, Michael Centil at Jun Maricar na kunwariy kukumpunihin ang isang sirang bahagi ng pader ng bahay ni Ramos.
Isinampa na ang kasong robbery with homicide laban sa apat na suspek. Tanging si Maricar na lamang ang hindi pa nadadakip ng NBI.
Sumuko si Lumagui kay Makati Mayor Jejomar Binay kamakalawa ng hapon at saka ipinasa sa NBI.
Kasalukuyang pinag-aaralan ngayon ng NBI ang testimonya ni Lumagui habang nakatakdang bigyan ng subpoena si Bailey upang magpaliwang sa akusasyon laban sa kanya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended