Inambus na brodkaster naibulong sa utol ang killer bago namatay
May 7, 2005 | 12:00am
Ilang oras bago nalagutan ng hininga ang inambus na brodkaster ay nagawa umano nitong tukuyin sa kanyang kapatid na sundalo ang isa sa tatlong gunmen na rumatrat sa kanya sa Dipolog City noong Miyerkules.
Dahil dito, hinikayat ni Zamboanga del Norte Provincial Police Office (PPO) Director Supt. Jeufel Adriatico na lumantad si Arvin Cantoneros, miyembro ng Phil. Marines at nakababatang kapatid ng pinatay na si DXAA radio commentator Klein Cantoneros upang tumulong sa imbestigasyon ng pulisya.
Sinabi ni Adriatico na kung talagang natukoy ng biktima ang isa sa kanyang mga gunmen na nasabi diumano nito kay Arvin ay malaki ang maitutulong nito sa imbestigasyon para sa ikalulutas ng kaso ng pagpatay sa kanyang kuya.
Sa kasalukuyan ay wala pa umanong lumalantad na testigo na tutukoy sa mga killer ng biktima.
Si Klein ay niratrat habang pauwi noong Miyerkules ng madaling-araw. Matapos ang 24-oras ay namatay din.
Tatlong anggulo ang sinisilip sa motibo ng krimen kabilang na ang personal, pulitika at negosyo kung saan marami aniyang naging kaaway ang brodkaster hindi lamang sa lokal na pamahalaan, kalakalan, AFP at maging sa mga pribadong indibidwal na binanatan nito sa kanyang komentaryo.
Nabatid naman kay Chief Supt. Vidal Querol, Police Regional Office (PRO) 9 Director na kasalukuyan nilang kinukunan ng testimonya si Peter Darat kung saan umano nakatakdang makipagkita si Cantoneros bago ito napatay.
Sa tala ng PNP, si Cantoneros ang ika-apat na journalist na pinaslang ngayong taon habang 13 journalists naman ang napatay noong 2004 na pinakamataas na insidente sa bilang na 67 napatay na mediamen simula nang manumbalik ang demokrasya sa bansa noong 1986. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest