^

Bansa

Umento dadaanin sa santong paspasan

-
Kapag hindi nakuha sa santong dasalan, kukunin sa santong paspasan ang hinihiling na umento sa suweldo.

Ito ang nagiging babala kahapon ng grupo ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa gobyerno.

Ayon kay Alex Aguilar, tagapagsalita ng TUCP, mapipilitan umano ang kanilang grupo na lumabas ng lansangan para hingin ang pagpapatalsik sa puwesto ni Pangulong Arroyo kapag muling napako ang pangakong 30 araw hinggil sa hinihiling nilang dagdag na sahod.

Sinabi ni Aguilar, naisampa na nila sa Department of Labor and Employment Productivity Wages Board ang kanilang petisyon na humihiling na P78 ‘across the board increase’ sa National Capital Region (NCR). Habang ang petisyon sa iba pang rehiyon ng bansa ay posible na umanong makumpleto sa loob ng linggong ito.

Sinabi pa ni Aguilar, kung sakaling maglabas na ng ‘wages order’ ang Regional Wages Board na hindi naman katanggap-tanggap at akma sa kahilingan ng mga manggagawa ay iaapela nito at kung hindi sila papakinggan ay lalabas na sila ng lansangan.

Kaugnay nito, sinabi naman ni DOLE Secretary Patricia Sto. Tomas na nag-iisip na ang gobyerno ng "win-win solution" sa pagitan ng mga manggagawa at employer.

Aniya, natitiyak niya na kapag nakapagpalabas ng hindi balanseng desisyon ay uulanin sila ng batikos ng magkabilang kampo. (Ulat ni Mer Layson)

AGUILAR

ALEX AGUILAR

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT PRODUCTIVITY WAGES BOARD

MER LAYSON

NATIONAL CAPITAL REGION

PANGULONG ARROYO

REGIONAL WAGES BOARD

SECRETARY PATRICIA STO

SINABI

TRADE UNION CONGRESS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with