Brodkaster niratrat na naman
May 5, 2005 | 12:00am
Isang araw matapos ipagdiwang ng mga Filipino journalists ang World Press Freedom Day, isang radio reporter ang nasa kritikal na kondisyon ngayon makaraang ratratin ng tatlong di pa kilalang mga armadong lalaki sa Dipolog City, Zamboanga del Norte kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 9 Director Chief Supt. Vidal Querol ang biktima na si Klein Cantoneros, broadcaster sa DXAA radio.
Base sa imbestigasyon, kalalabas lamang ng biktima mula sa kanyang programa sa DXAA radio bandang 12:30 ng madaling-araw nitong Miyerkules at pauwi na nang pagbabarilin ng tatlong gunmen na armado ng kal. 45 at lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Brgy. Sta. Filomena.
Nagtamo ng anim na tama ng bala sa katawan ang biktima at nasa kritikal na kondisyon ngayon sa Dipolog City Medical Center kung saan ayon sa mga manggagamot ay maliit ang tsansa nitong mabuhay.
Ang pag-atake ay matapos bansagan ng US-based Committee to Protect Journalist ang Pilipinas bilang most murderous countries for journalists sa buong mundo kasama ang Cambodia, Russia, Iraq at Bangladesh.
Nitong nakalipas na Abril 29 ay nakaligtas sa ambush si DZXE radio commentator Nestor Seguismundo matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa harapan ng kanyang tahanan sa Bantay, Ilocos Sur.
Sa tala ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), tatlong reporter na ang napatay ngayong taon habang 13 journalist na ang pinatay sa bansa nito lamang nakalipas na taon na siyang pinakamataas na rekord simula ng manumbalik ang demokrasya sa Pilipinas noong 1986. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended