^

Bansa

Pinoy sa Iraq, inuubos

-
Parang hayop na lamang kung patayin ng mga bandidong Iraqi ang ating mga kababayang overseas Filipino workers sa bansang Iraq matapos isa na namang OFW ang iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Kinumpirma ni DFA Undersecretary Jose Brillantes ang panibagong pananambang sa Pinoy na kinilalang si Marcelo Salazar Jr., 46, tubong Cebu City habang sakay ng kanyang ‘service vehicle’ sa Baghdad.

Naniniwala si Brillantes na iisang grupo lamang ng mga ‘extremists’ ang nasa likod ng magkakasunod na pangyayari sa Iraq.

Una rito ay pinagbabaril noong Sabado ang limang OFWs kung saan ay nasugatan sina Francisco Luz at Sherylyn Fontanilla habang papasok ang mga ito sa trabaho sa duty-free shop sa Baghdad airport.

Noong Linggo naman ay pinagbabaril at napatay si Rey Torres, 32, ng San Jose, San Fernando, Pampanga habang nasa ‘downtown’ Baghdad para bumili ng spare parts. Si Torres ay nagsisilbing security guard at driver ng Qatar International Trading Co. (QIT) sa loob ng Camp Victory.

Hindi pa man naiuuwi ang bangkay ni Torres nang maganap na naman ang pagbaril at pagpatay kay Salazar.

Ayon naman kay DFA spokesman Gilbert Asuque, lalong tumindi ang ‘threat" sa buhay ng mga OFW na nasa Iraq kaya patuloy nilang hinihikayat ang may 4,000 Pinoy dito na umuwi na sa Pilipinas.

Sasagutin ng gobyerno ang pamasahe sa eroplano at iba pang gastusin ng mga OFW na nasa Iraq na nagnanais nang bumalik sa bansa.

Ayon sa DFA, sadyang may mga kababayan tayong matitigas ang ulo dahil sa kabila ng travel ban na ipinatutupad ng gobyerno ay mayroon pa ring lumulusot para magpunta sa Iraq. Kapag nagkakaroon ng problema at hindi kaagad natulungan ay pamahalaan naman ang sinisisi ng kanilang pamilya.

Sa rekord ng DOLE, lumilitaw na ‘undocumented’ ang apat sa limang OFW na inambus sa Baghdad noong Sabado.

Maging ang accountant na si Robert "Bobby" Tarongoy na bihag pa rin ng mga bandidong Iraqi ay napag-alamang illegal na nakapasok sa Iraq. (Ulat nina Mer Layson at Ellen Fernando)

AYON

CAMP VICTORY

CEBU CITY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

FRANCISCO LUZ

GILBERT ASUQUE

MARCELO SALAZAR JR.

MER LAYSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with