First Gent buhay hari sa Las Vegas
March 30, 2005 | 12:00am
Pinangalanan kahapon ng isang kongresista si First Gentleman Jose Miguel Arroyo na tumira sa magarang MGM Hotel sa Las Vegas, Nevada matapos umugong ang tsismis na gumastos ng $20,000 o mahigit P1 milyon bawat araw na renta sa presidential mansion ang isang Pinoy nang manood ng laban ni Pacquiao.
Pero nilinaw ng kongresistang kasama sa mga nanood ng laban ni Pacquiao, na libre ang pagtira ni Arroyo sa MGM dahil complimentary ang kuwartong ibinigay dito.
Sinabi ng solon na binigyan ng manager ng hotel si Arroyo ng pagkakataong makatira ng libre.
"Totoong tumira si First Gentleman doon kaya lamang ay hindi siya sa presidential mansion at complimentary ang pagtira niya o libre na ibinigay ng may-ari ng hotel," anang solon.
Binigyan din naman aniya ng complimentary ticket ang mga kilalang artista, sikat na mga tao at maging ang mga boksingero katulad ni Mohammad Ali.
"Natural lamang iyang complimentary ticket, ibinibigay iyon sa mga kilalang tao doon," anang solon.
Tinawag itong malaking kalokohan ang blind item na nagpapahaging umano kay Arroyo na tumira sa magarbong presidential suite kasama ang napakaraming negosyanteng Tsino.
Hindi rin nito matiyak kung talagang mayroong swimming pool ang presidential mansion dahil hindi naman siya nakapasok doon. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended