Military junta laos na Palasyo
March 29, 2005 | 12:00am
Binalewala ng Palasyo ang mga bantang ipinalabas nina dating National Security Adviser retired Gen. Jose Almonte at ret. Major General Fortunato Abat hinggil sa posibleng instalasyon ng "military junta" dahil umano sa hindi masawatang katiwalian sa gobyerno.
Ayon kay Communications Director Silvestre Afable, hindi na "in" ang military junta at hindi na ito tinatanggap ng mga tao.
Lumalabas na anya sa alinmang survey na malawakan ang pagtutol ng publiko sa ganitong sistema ng gobyerno tulad din ng pag-ayaw nila sa kudeta o alinmang uri ng "military adventurism".
Ayon naman kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, hindi ipahihintulot ng mga awtoridad at sambayanan ang pagtatatag ng military junta. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest