^

Bansa

Pinoy investors nabuhayan ng loob sa desisyon ng korte sa Guatemala

-
Sinipa ng mga hukuman sa Guatemala ang management na inilagay ng PriceSmart sa subsidiary nito sa nasabing bansa dahil sa reklamo ng isang local minority shareholder sa PriceSmart Guatemala SA.

Nagsampa ng mga demandang sibil at criminal ang kasosyo (34 porsyento) ng PriceSmart sa Guatemala dahil umano sa mga ilegal na paniningil ng kumpanyang Amerikano ng kung anu-anong bayarin na wala sa kontrata.

Hinirang ng mga hukuman ang isang empleyado ng minority shareholder upang maging receiver ng PriceSmart Guatemala at binigyan ito ng kapangyarihan na salain ang lahat ng pagbabayad ng kumpanya, kasama na ang mga sinisingil ng PriceSmart USA. Kaagad namang sinabihan ng receiver ang PriceSmart na maaaring maghintay ito ng matagal bago bayaran ang mga sinisingil nito.

Ang nangyari sa Guatemala ay nagpalakas naman ng loob sa mga Pilipinong minority stockholders sa PSMT Philippines, ang local subsidiary ng PriceSmart na nakabase sa San Diego, California, upang sipain ang management na inilagay ng kumpanya sa PSMT na pinangungunahan ni Benjamin Woods bilang presidente.

AMERIKANO

BENJAMIN WOODS

HINIRANG

KAAGAD

NAGSAMPA

PILIPINONG

PRICESMART

SAN DIEGO

SINIPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with