Simpleng holdap sa OFWs
March 28, 2005 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ng maraming bilang na Overseas Filipino Workers (OFW) at mga marinong dumarating sa bansa ang umanoy simpleng holdap na ginagawa sa kanila ng mga taxi driver na pumipila at naghihintay ng mga pasahero sa Centennial Airport, NAIA at maging sa Domestic Airport.
Ayon kay Engr. Nelson P. Ramirez, pangulo ng United Filipino Seafarers (UFS), kontrata ang ginawa ng mga taxi driver sa mga OFW na dumarating sa bansa na maliwanag na paglabag sa kautusan ng LTFRB at sa panuntunan ni NAIA Gen. Manager Alfonso Cusi.
Ani Ramirez, mismong siya ay naging biktima ng mga mapagsamantalang taxi driver sa NAIA kamakailan lamang dahil mula sa Airport hanggang sa kanyang tanggapan sa Roxas Boulevard, Ermita ay siningil siya ng P380.
Nagbabala na si Cusi sa mga taxicab at shuttle service sa paliparan at nagsabing bilang na ang araw ng mga abusadong taxi driver. (Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am