^

Bansa

P2 fare hike hirit ng LRT

-
Hihirit din ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ng dagdag na P2 sa pasahe nito para mapunan ang kakulangan sa pondo na kailangan nito para mapabuti ang serbisyo sa publiko.

Sa pahayag ng LRTA deputy administrator Cesar Chavez, inaprubahan na ng Department of Transportation and Communication (DOTC) fare policy committee ang naturang fare hike at hinihintay na lamang nila ang tugon dito ng Malakanyang para maipatupad ito.

Ang pagtaas ay ipatutupad ng LRT 1 na bumabaybay mula sa Baclaran, Pasay hanggang Monumento at sa LRT 2 na mula Santolan, Pasig hanggang Recto, Maynila.

Binigyang-diin ni Chavez na kinikita naman ng LRTA ang halaga para sa operational cost nito pero kulang ang pondong pambayad sa utang na ginamit sa ipinantayo ng LRT.

Sinabi pa nito na P7 lamang ang katumbas ng isang dolyar ng itayo ang LRT noong 1980 samantalang ngayon ay umabot sa P54 na ang katumbas ng isang dolyar.

May P12 ang halaga ng pasahe sa LRT mula Baclaran hanggang Monumento para sa unang apat na istasyon at dagdag na P1 sa bawat istasyong karagdagan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BACLARAN

BINIGYANG

CESAR CHAVEZ

CHAVEZ

CRUZ

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

HIHIRIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MONUMENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with