^

Bansa

Education plan sa anak ng GSIS, SSS members

-
Upang masigurong makakatapos ng kanilang pag-aaral ang mga anak ng mga GSIS at SSS members, isinusulong ng ilang mambabatas ang pagbibigay sa mga ito ng educational plan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang education trust fund.

Tinalakay na ng House committees on higher and technical education at government enterprises and privatization ang nasbaing panukala na inihain ng limang mambabatas.

Sa ilalim ng panukala, ang miyembro na nais kumuha ng educational plans para sa kanilang mga anak o iba pang benepisaryo ay magbabayad ng premium na ibabase sa mapipili nilang payment schedule.

Mula sa nasabing premiums na babayaran ng miyembro ay mabubuo ang education trust fund na ihihiwalay mula sa general funds ng GSIS at SSS.

"The aim of the fund is to ensure that money is available to pay for the tuition fee and other school requirements of the grantees upon maturity of the plan," paliwanag ni House minority leader Francis Escudero, isa sa mga awtor ng panukala.

Isa sa mahalagang probisyon ng panukala ay ang kasiguruhan na babayaran ng educational trust fund ang halagang kakailanganin ng estudyante o grantee kahit pa nagmahal na ang tuition nito sa panahong kailangan na niyang mag-enrol.

Ang bayad ay direkta ring ibibigay sa eskuwelahan upang masigurong hindi ito magagamit sa ibang paraan.

Maliban sa tuition fees, pinag-aaralan na rin na isama bilang education benefits ang mga non-standard fees katulad ng materials, libro, school supplies at board and lodging expenses. (Ulat ni Malou Rongalerios)

EDUCATION

FRANCIS ESCUDERO

ISA

MALIBAN

MALOU RONGALERIOS

MULA

TINALAKAY

ULAT

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with