Luli pumila para kumuha ng visitors pass sa Kamara
February 20, 2005 | 12:00am
Hindi maiwasan ng ilang taga-House of Representatives na hindi ikumpara si Luli Arroyo sa kanyang kapatid na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo o iba pang anak ng mga naging presidente na hindi lumalakad ng walang bodyguard matapos mag-isang pumila ang presidential daughter para kumuha ng visitors pass nang magtungo siya sa Kamara noong nakaraang linggo.
Dahil sa walang kasamang bodyguard o alalay, hindi halos nakilala ng ilang miyembro ng Legislative Security Bureau sa North wing ng Kapulungan si Luli habang nakapila sa kuhaan ng visitors pass.
Halos lahat ng mga ordinaryong tao na nais makausap ang isang mambabatas ay kumukuha ng vistors pass at nagpi-fill-up ng visitors slip bago sila papasukin sa alin mang tanggapan sa Kamara.
Mag-iiwan pa sana si Luli ng kanyang ID kapalit ng visitors pass nang mapansin siya ng isang Manuel del Pilar, legislative security na nakatalaga sa North wing kaya sinabihan niya ang dalaga na puwede na itong pumasok kahit walang visitors ID.
Nagtungo si Luli sa tanggapan ni Zambales Rep. Antonio Diaz, chairman ng House committee on science and technology upang magbigay ng imbitasyon para sa isang programa na may kinalaman sa hawak na komite ng solon na ginanap nitong Peb. 15. Si Diaz ang kongresista na inireklamo ng isang Viva Hot Babe dahil sa sexual harassment. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest