^

Bansa

Law graduates bibigyan ng Master's degree kahit bagsak sa Bar

-
Upang hindi masayang ang mahigit na apat na taong pinag-aralan ng isang estudyante ng Bachelor of Law, isinulong kahapon ng isang mambabatas na mabigyan ang mga ito ng Master's degree kung hindi makakapasa sa bar examinations.

Sa House Bill No. 3699 na inihain ni Lanao del Sur Rep. Faysah Dumarpa, ipinaliwanag nito na malaking pera at mahabang panahon ang iginugol ng isang estudyanteng kumuha ng Bachelor of Law pero hindi lahat sa mga ito ay nagiging abogado.

Binigyan na rin aniya ng limitasyon ng Korte Suprema ang pagkuha ng bar exams ng hanggang limang beses lamang kaya nawawalan ng pagkakataon ang "bar flunkers" na limang beses nang sumubok pero hindi naman nakapasa.

"Sad and unfortunate stories had been told about the plight of thousands of bar hopefuls," ani Dumarpa.

Hindi aniya masasayang ang apat na taong ginugol ng isang estudyanteng kumuha ng Bachelor of Law kung gagawin itong ‘equivalent’ sa Master's degree.

Ipinaliwanag pa ni Dumarpa na maraming tanggapan sa gobyerno ang nangangailangan ng mga empleyado na may Master's degree kaya makatutulong ang kanyang panukala sa mga "bar flunkers" na hindi na maaaring maging abogado.

Magsisilbi aniyang ‘compensatory reward’ ang pagbibigay ng Master's degree sa mga nagtapos ng Bachelor of Law. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

BACHELOR OF LAW

BINIGYAN

DUMARPA

FAYSAH DUMARPA

IPINALIWANAG

KORTE SUPREMA

MALOU RONGALERIOS

SA HOUSE BILL NO

SUR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with