El Shaddai pabor sa E-VAT
February 9, 2005 | 12:00am
Sinuportahan ni El Shaddai charismatic leader Bro. Mike Velarde ang panukalang karagdagang 2 percent sa Value Added Tax (VAT) na mainit na tinatalakay sa Senado.
Sa isang statement ni Bro. Mike bago ito magtungo sa Hong Kong kahapon, obligasyon ng bawat mamamayan na magbayad ng tamang buwis para sa ikauunlad ng ating ekonomiya.
Aniya, ang ating bansa ay tulad ng isang pasyente na nasa Intensive Care Unit (ICU) na nangangailangan ng blood transfusion upang mabuhay at isang hamon ang pagdodonasyon ng dugo ng bawat isa sa pasyente para mabigyan ng pangalawang buhay.
Pero hiniling ni Velarde sa mga senador na pag-aralang mabuti ito upang hindi naman madagdagan pa ang pasanin ng pangkaraniwang Pinoy sa sandaling aprubahan ang Expanded VAT.
Samantala, sinabi naman ni Trade and Industry Secretary Cesar Purisima sa pagdinig ng senate committee on ways and means tungkol sa VAT bill na pansamantala lamang mararamdaman ang epekto ng 2 percent VAT pero sa kalaunan ay makikita din natin ang magandang epekto nito sa ating ekonomiya.
Aniya, gumaganda na ang takbo ng ating ekonomiya dahil sa pagiging matatag ng piso at ang makokolektang karagdagang buwis sa E-vat ay ibabalik naman sa mamamayan sa porma ng serbisyo.
Tinutulan naman ni Purisima ang pagkakaroon ng multi-tiered VAT system dahil napatunayan na ito ng maraming bansa na hindi epektibo.
Iginiit naman ni Sen. Ralph Recto, pabor siyang mas taasan ang buwis ng mga luxury items kaysa ang mga pangunahing bilihin na pangkaraniwang binibili ng mga mahihirap. Nais ni Sen. Recto na magkaroon ng 2-tiered VAT system. (Ulat nina Butch Quejada/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest