Dagdag na 2% VAT magpapatatag sa piso
February 5, 2005 | 12:00am
Inihayag kahapon ni outgoing Trade and Industry Secretary Cesar Purisima sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senate committee on ways and means na ang pagpasa sa dagdag na 2 percent Value Added Tax (VAT) ay lalong magpapatatag sa ating piso.
Sa ipinadalang liham ni Sec. Purisima kay Sen. Ralph Recto, chairman ng komite na dumidinig sa panukalang dagdag na 2% VAT, nilinaw nito na hindi isyu ang posibleng pagtaas sa presyo ng bilihin sa sandaling aprubahan ang dagdag na VAT dahil sa kabuuan ay lalong magpapatatag ito sa ating ekonomiya.
Sinabi ni Purisima, unti-unting tumatatag ang ating piso dulot ng mga reform measures ng Arroyo government at ang positibong dulot nito ay maramdaman sa import costs ng ibat ibang commodities tulad ng de lata, gatas, karne at noodles.
"Tha passage of the VAT bill will further strengthen the Peso as it will enhance both consumers and investors confidence on the governments stability to solve its fiscal problem. This will unleash further liquidity in both domestic and financial markets that will provide continued strength and stability to the Philippine currency and may even have a dampening effect on domestic interest rates," wika pa ng outgoing DTI head.
Magugunita na maging ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa pamumuno ni Mr. Donald Dee, Federation of Philippine Industries sa pamumuno ni Joseph Francia at American Chamber of Commerce ay suportado ang pagpasa ng dagdag na 2% sa VAT.
Samantala, inamin ng isang administration senator na dalawang mataas na lider ng maimpluwensiyang sekta ang kumakausap sa mga mambabatas partikular ang mga kontra sa dagdag na VAT para katigan ang pagpasa ng nasabing revenue measures ng Arroyo administration.
Maging ang mga miyembro ng minority bloc ng Senado na hayagan ang pagtutol sa 12% VAT ay isa-isang kinakausap at kinukumbinsi ng 2 mataas na lider ng maimpluwensiyang sekta para huwag harangin ang revenue measures na ito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 10, 2024 - 12:00am
November 10, 2024 - 12:00am