14 DPWH employees, hinostage ng NPA
December 12, 2004 | 12:00am
Labing-apat na tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dinukot ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) habang hinaydyak naman ang 7 heavy equipments kamakalawa sa Davao del Norte.
Ayon sa ulat, humihingi ng P2 milyong ransom ang mga rebelde kapalit ng kalayaan ng kanilang mga bihag at nagbantang susunugin din ang pitong heavy equipments ng DPWH na nagkakahalaga ng P39 milyon kung hindi sila magbabayad ng ransom.
Sinabi ni Brig. Gen. Alexander Yano, bandang alas-10:00 ng gabi ng dukutin ng may 150 armadong NPA ang nasabing mga empleyado ng DPWH habang gumagawa ng mga kalsada sa barangay Basak, Talaingod, Davao del Norte.
Maraming lokal na opisyal at lider ng Simbahan ang naging negotiator hanggang sa pakawalan ng NPA sa pamumuno ng isang Leonardo Pitao alyas Kumander Parago ang kanilang mga bihag matapos ang may 12 oras na negosasyon. Hindi naman binanggit kung nagbayad ng ransom para sa kalayaan ng mga hostage.
Matatandaang sinamantala din ng mga rebelde ang ginagawang relief operations ng mga sundalo sa San Rafael, Bulacan ng tambangan ng mga ito ang militar kung saan ay sampung sundalo ang nasawi.
Mahigpit na itinanggi naman ni CPP Spokesman Gregorio Ka Roger Rosal na nagsasagawa ng relief operations ang mga sundalo dahil armado ang mga ito ng mataas na kalibre ng baril at wala namang biktima ng bagyo sa kanilang naging destinasyon.
Nagbabala naman si PNP chief Edgar Aglipay na mag-ingat ang mga ito at bantayan ang mga vital installations sa bansa habang nalalapit ang anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa darating na Disyembre 26.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended