Debt relief hingi ni Recto
December 5, 2004 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Sen. Ralph Recto sa pamahalaan na isulong ang debt relief sa mga pinagkakautangan nito upang magamit ang pondo sa mga proyekto ng pamahalaan na sinalanta ng mga bagyong Winnie at Yoyong sa Luzon.
Sinabi ni Recto, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, na hindi sapat ang P700 milyong calamity fund sa 2005 para tustusan ang rehabilitation project sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Partikular na isinulong ni Recto ang "debt-for-nature swaps" sa pagitan ng gobyerno at ng international creditors.
Sa ilalim ng sistemang ito, isang creditor ang magwe-waive ng loan sa Philippine Governnent sa kondisyon na ang ibabayad sa buburahing loan ay gagamitin sa nature conservation projects.
Maaari rin umanong sumali ang isang third party, katulad ng isang non-government organization (NGO) kung saan bibili ito ng Philipine debt notes sa discounted rates subalit ang gobyerno naman ang tutubos nito sa kondisyon na ang ibabayad na pera ay gagastusin sa conservation projects. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended