Criminal case isinampa vs ex-live-in partner ng ambassador
November 14, 2004 | 12:00am
Sinampahan na ng kasong kriminal ng Manila Prosecutor's Office sa Regional Trial Court (RTC) si Catherine Songco, ang dating live-in partner ni Laos Ambassador Antonio Cabangon-Chua dahil sa kasong qualified theft at estafa.
Sa anim na pahinang resolution ni Asst. City Prosecutor Joseph Guevarra, bukod kay Catherine, treasurer ng pawnshop, kabilang din sa sinampahan ng kaso ang ina nito at pawnshop chief cashier na si Corazon, manager Claire Songco-Pique, at asst. cashier at appraiser Teresa Gallego.
Kaagad namang nagpalabas ng warrant of arrest si RTC Branch 39 Judge Noli Diaz at posibleng maisampa na ang kaso dahil sa umanoy pagnanakaw ng P3,497,367.03 na halaga ng mga alahas at pera mula sa C.B Songco pawnshop na nasa 475-477 Quezon Blvd. Quiapo, Manila.
Ang naturang pawnshop ay pag-aari ni Ambassador Cabangon-Chua na dating live-in partner ni Catherine Songco.
Itinakda ng Korte ang P40,000 bilang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng mga akusado. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest