^

Bansa

LRTA kontrolado ng 'Waray-waray'

-
Demoralisado na ang may 1,600 empleyado ng Light Rail Transit Authority (LRTA) dahil sa paghahari-harian umano ng ‘Waray-Waray Gang’ na nagdidikta sa lahat ng patakaran na pinaiiral ni administrator Melchor Robles.

Ayon kay Dominique Cabigting, LRT 2 Asst. Chief, bukod sa pamamayani ng mga miyembro ng El Shaddai, naghahari-harian din umano ang mga Waray na lalo pang nagpapagulo sa sistemang umiiral sa tanggapan. Tinukoy ni Cabigting ang mga Waray sa LRTA na sina Robles, DOTC asst. secretary Robert Castanares, Line 2 administrative manager Aurora San Juan at isang Dan Palami na financier ni Robles.

"Ang problema sa LRTA, daig pa ang EDSA 1, 2 at 3. Napakaraming grupo ang gustong magpatakbo kung kaya’t nalilito na ang mga empleyado kung sino ang susundin," ani Cabigting. (Ulat ni Doris Franche)

AURORA SAN JUAN

CABIGTING

DAN PALAMI

DOMINIQUE CABIGTING

DORIS FRANCHE

EL SHADDAI

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MELCHOR ROBLES

ROBERT CASTANARES

WARAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with