^

Bansa

Senior citizens, 1-linggong libre sakay sa LRT at MRT

-
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nat’l Elderly Week, isang linggong libre sa kanilang pasahe ang mga senior citizen sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Ayon kay LRT 2 Public Relations Chief Maricar Jara-Puyod, sinimulan kamakalawa (Okt. 1) at magtatapos sa Okt. 7 ang pagsakay ng libre ng mga senior citizens.

Makakakuha ng free rides ang mga senior citizen sa dalawang tren mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga at alas-4 hanggang alas-7 ng gabi.

Isang senior citizen ID lamang ang dapat na ipakita ng sinumang sasakay sa LRT o MRT upang ma-avail nila ang pribilehiyong ito.

Ang MRT ay tumatakbo sa kahabaan ng EDSA, ang LRT 1 naman ay tumatakbo mula Monumento, Caloocan hanggang Baclaran, samantalang ang LRT 2 ay tumatakbo mula Legarda, Maynila hanggang Santolan sa Pasig City.

Ito na ang ikalawang taon na nagsagawa ng libreng sakay ang pamunuan ng MRT at LRT para sa mga senior citizen tuwing sasapit ang Nat’l Elderly Week na ginaganap tuwing unang linggo ng Oktubre. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

BACLARAN

BILANG

EDWIN BALASA

ELDERLY WEEK

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

OKT

PASIG CITY

PUBLIC RELATIONS CHIEF MARICAR JARA-PUYOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with